Noong ika-16 at ika-17 ng Agosto 2023, anim na Pilipino ang nailikas mula sa Sudan. Sila ay dumaan sa Egypt-Sudan border ng Qustul at nakauwi na ng Pilipinas noong ika-18 ng Agosto 2023.
Matapos ma-aprubahan ang security clearance ng mga nasabing Filipino evacuees, sila ay sinalubong sa Qustul border at tinulungan ng Assistance to Nationals (ATN) team. Ang mga evacuees ay nabigyan ng temporary entry patungong Egypt at nakauwi kaagad ng Pilipinas kinabukasan.
Sa kabuuan, 818 na Filipino evacuees mula sa Sudan ang natulungan at nailikas ng Philippine government simula noong Abril 2023. Tuloy pa rin ang paghikayat ng Department of Foreign Affairs at ng Philippine Embassy sa Cairo na lumikas na ang mga Pilipinong nananatili pa rin sa Sudan.
Makipag-ugnayan sa Embassy: ATN Hotline: (+20) 122 743 6472 Email: atn@cairope.org FB Messenger: PHinEgypt
Comments